Ang Lihim Ni Seth AiTenshi "Ang Kuta" Part 36 Ang sinag ang araw na tumama sa aking mukha ang siyang gumising sa akin habang nakahiga sa sirang balkunahe ng aming mansyon. Hindi ko na namalayang nakatulugan ko pala ang panonood ng mga bituin kagabi bagamat pakiwari ko ay gising ako mag damag dahil buhay na buhay pa rin ang aking matalas na pakiramdam. "Sir Ybes, kumain kana muna. Salamat sa pag babantay mo sa amin kagabi. Alam mo bang nakatulog ng mahimbing ang mga bata dahil nandito ka raw at ipag tatanggol mo sila."ang wika ni Manang Pelly habang inilalagay ang tray sa aking harapan. "Salamat po Manang Pelly." ang wika ko naman sabay bitiw ng matamis na ngiti. "Nag aalala pa rin ako sa desisyon mong sumalakay na mag isa sa kuta ng mga halimaw. Hindi ako nakatulog ng mabuti lalo't a