Ang Lihim Ni Seth AiTenshi "Ang Pista ng Manlikmot" Part 37 Noong manumbalik ang aking ulirat, ay natagpuan ko na lamang aking sarili na nakatali sa harapan ng maraming tao. Basa ang aking buhok at walang pang itaas na damit. Damang dama ko pa rin ang sakit ng aking ulo dulo't ng ginawang pag hampas ni Mang Fred dito. Hindi pa rin ako makapaniwala na ang tanong matagal nang paikot ikot sa loob ng hacienda ay isang ahas. "Mabuti naman at gising kana." ang wika ni Mang Fred sabay sabunot sa aking buhok at doon ay nakita ko si Seth walang malay habang nakatali sa leeg at ang dalawang kamay ay nakalagay sa likod. Ang dibdib ay naka gapos sa isang malaking haligi. Walang damit at sirang pantalon lamang ang saplot nito. Puro dugo ang katawan na parang nilatigo, hiniwa at binubog. Ang mukha a