Ang Lihim Ni Seth AiTenshi "Ang Pagbabalik sa Nakaraan 2" Part 33 Nag patuloy ang aming pag takbo ni Lolo Nante pabalik sa kakahuyan kung saan naroon ang portal na aming daraanan pabalik sa aming panahon. Sa bawat hakbang na aming ginagawa ay unti unting nag lalaho ang aming hiram katawan at ngayon ay burado na rin ang aming binti hanggang tuhod. Noong mga sandaling iyon ay takot ang namayani sa aking dibdib dahil baka tuluyan na akong mag laho sa panahong ito kapag hindi namin binilisan ang pag takbo. "Ayun ang portal! Malapit na tayo iho" wika ni lolo noong makita ang itim na lagusan na nag durugtong sa panahong ito patungo sa hinaharap. Hinawakan nito ang aking kamay at mabilis naming pinuntahan ang tawiran. Nasa ganoong pag takbo kami noong makarinig ako ng isang tinig, pakiwari k