Ang Lihim Ni Seth AiTenshi Sep 25, 2015 "Ang Tribong Manlikmot 2" Part 27 Nag patuloy ang salaysay ng ama ni Seth.. "Ang aking ama na si Ulfred ay nag karoon ng kaibigan na isang mortal, ang pangalan nya ay si Delfin. Kasama nya ito sa pakikipag kalakalan ng produkto sa bayan at bukod doon ay tinuruan din nya ang aking ama na mag saka at mag tanim ng mga gulay na naayon sa panahon. Ang talino Delfin bilang isang tao ay ibinahagi nya sa aking ama na siya namang ibinabahagi ng aking ama sa kanyang tribong pinamumunuan kaya't naging matalino rin ang mga purong manlikmot. Sa lipas ng panahon, naging matatag ang samahan nilang dalawa hanggang sa isang araw ay naaksidente si Delfin sa bangin at ito ang kumitil ng kanyang buhay. Labis itong kinalungkot ng aking ama kaya naman ito ang nag u