Ang Lihim Ni Seth AiTenshi "Ang Kaligtasan" Part 28 "Kung gayon totoo nga ang nakasulat sa notebook na iniwan ni Lolo Nante. Ang nakausap niyang misterysong tinig ay walang iba kundi si papa Carlos!" ang namamangha kong salita habang hindi maitago ang labis na galak. "Oo nga tol, hindi rin pumasok sa aking isipan ang posibilidad na si papa nga ang nakakausap ng iyong lolo." naka ngiting tugon ni Seth habang nag kakamot ito ng ulo. Pakiramdam daw kasi nya ay naisahan siya ng kanyang ama. "Teka, ano po ang nangyari sa hacienda? Natupad ba ni lolo ang lahat ng kasunduan?" ang tanong ko. "Mabuti pa papa ay ituloy mo na ang iyong pag sasalaysay, kasi ay hindi titigil itong si Ybes at mag damag akong kukulitin kapag hindi nasagot ang mga tanong nya." wika naman ni Seth habang naka akbay sa