Ang Lihim Ni Seth AiTenshi "Metamorphosis" Part 42 "Tol, delikado ang isang ito. Maaaring mapahamak ang mga inosenteng tao kapag nabuo ang orihinal na anyo ni Mang Fred." ang bulong ni Seth. "Iyon din ang inaalala ko. Mainam pa ay pakawalan na natin ang mga ito hangga't may oras pa." mungkahi ko naman at doon ay agad naming tinakbo ang mga taong binihag upang palayain ang mga ito. "Seth, nais kong dalhin mo sila sa isang ligtas na lugar. Pati si Papa Carlos ay ilayo mo na rin dito." ang pakiusap ko ngunit napakunot ang noo nito at tila hindi sang ayon sa aking sinabi. "Hindi kita maaaring iwan dito. Hindi ako papayag sa sinabi mo." ang sagot nito. "Tol, paki usap. Ihanap mo sila ng ligtas na mapag tataguan at pag katapos ay bumalik agad at sabay nating harapin ang isang ito." muli ko