Ang Lihim Ni Seth AiTenshi "Si Rigor 2" Part 41 Sa pag papatuloy ng kwento ni Rigor... Katulad ng ipinangko ko sa aking sarili, sa pag sapit ng bagong buwan ay bumaha ng dugo sa paanan ng bundok. Pinaslang namin ni Jerome ang lahat ng mga taong naninirahan doon at wala kaming tinira kahit na isa. Ang kasalanan ng isa ay kasalanan ng lahat kaya dapat lang na mag dusa sila. Walang puwang ang kabutihan sa aking sarili, kapag ikaw ay mabait ikaw ay sinasaktan, inaapi at inaabuso ng iyong kapwa. Walang ibang idudulot pagiging mabuti kundi sakit at pag durusa lamang. Sa pag lipas ng panahon, nag palipat lipat kami ni Jerome ng lugar hanggang sa mapadpad kami sa isang kabundukan na pinamumugarahan ng aming mga kalahi. Espesyal ang kabundukang ito dahil wala ni sino man ang maaaring pumasok