Isang plano ang nabuo sa isipan ni Althea upang kahit papaano ay makaganti siya kay Luan sa pambabalewala nito lalong-lalo na sa pagsakay nito kay Miss Ventura. "Girls, gusto niyo bang maki-group study ulit, sabay swimming na rin parang noong una," yakag niya kina Beatriz at Danica na noon ay mabilis na nagtinginan. "Akala namin ni Beatriz na ayaw mo na, bakit mukhang ikaw ngayon ang nagyayakag, dahil ba 'yan sa ginawang pagsakay ni Sir Luan kay Miss Ventura noong isang araw?" deretsahang turan ni Danica. "Oo nga, girl, plano mo bang gamitin kami para gumanti o pagselosin siya?" palatak naman ni Beatriz na tila basang-basa ang nasa isip niya. Tama naman ang mga sinabi nila, but of course mas magandang senaryo ang nasa isip lalo pa at kasama sa eksena si Henry, ang super-duper guwapo n