Chapter 56:

1760 Words

Nang nagsimula ang tagisan ng talino ay nakita nina Danica at Althea na mukhang pinaghandaan naman ng kaibigang si Beatriz ang kompetisyon. Binasa ni Luan ang tanong habang naka-flash sa screen sa malaking monitor ang formula na dapat ay magawang solusyonan ng bawat kalahok. Ang bawat tanong ay may dalawang minuto upang masagot 'yon ng tama. Nang makita ni Althea ang equation at agad na napaisip. "X squared plus 2xy plus 3y minus 4 equals 12," bulong niya. Hindi niya alam kung tama ba ang sinabi pero nang i-reveal ni Luan bilang quiz bee master ang sagot ay hindi niya namalayang narinig pala ni Danica ang sagot na sinabi niya. "Wow, girl, ang galing mo," bulalas nito. "Nakuha mo ang sagot," dagdag pa nito. "Tsamba lang at saka madali pa 'yon," turan niya kay Danica. Damang-dama nila

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD