Nakabalik man si Althea sa kinaroroonan ng mga kaibigan pero hindi maiwasang lingunin kung saan naiwan si Luan at nakitang nakatingin din ito sa kanila dahilan upang magtama ang kanilang paningin. "Naks, naman talaga girl, mukhang in love na sa 'yo si Sir Luan," tudyong muli ni Danica nang mapansing nagkakatinginan sila ni Luan. "Crush ko pa naman si Sir Luan pero ipapaubaya ko na siya sa 'yo," segunda naman ni Beatriz na nakangisi. "Tigil-tigilan niyo nga ako," tila banas na sabad sa mga kaibigan na noon ay mas lalong naging mapang-alaska. "Sus! Akala mo naman galit na galit, iyon pala ay kinikilig," dagdag na wika sabay tawa ni Danica na sinabayan pa ni Beatriz. "Marvin, tulungan mo nga ako sa dalawang 'to," untag niya sa lalaking kasama nila. Ngumiti lamang ito at itinaas ang kama