Hindi inaasahan ni Luan na makakasalubong niya si Miss Ventura matapos pumasok sa isang Japanese restaurant. Magti-take out lang sana siya ng sushi nang yayain siy nitong kumain. Naisip na pagkakataon niya na rin itong kausapin ng masinsinan bagay na hindi nagagawa sa loob ng unibersidad dahil umiiwas siya sa anumang isyu. "Oh, hi, what a coincidence. Kakain ka rin ba? Sabayan mo na ako since ako lang mag-isa," yakag nito na tila walang nangyari sa pagitan nila nitong mga nakaraang araw. "Magti-take out lang sana ako ng sushi but I think, it's better na sabayan na nga kita," aniya sa co-instructor at nakita niya ang pagsilay ng matamis na ngiti sa labi nito. "Let's go," masiglang yakag nito papasok sa restaurant. Ayaw naman niyang maging bastos kaya nagpaka-gentleman siya at inalalayan