Chapter 53:

2248 Words

Kinailangang iwasan ni Luan si Althea sa loob ng campus, tila kasi mula nang ibinaba ang memo na 'yon ay parang may mga matang nakamasid sa bawat kilos niya. Kaya minsan may mga pagkakataong makakasalubong sana ito pero siya na mismo ang naiwas. Sa klase naman niya ay hindi na masyado itong pinapansin. Mahirap 'yon para sa kanya pero kailangan niyang gawin upang proteksyunan ito, ayaw niyang siya rin ang magpahamak rito. Nakausap na rin ang mga magulang nito na baka hindi na muna niya maisabay ang anak nila sa pag-uwi dahil sa bagay na 'yon. Naiintindihan naman ng mga ito at sinabing mas nainam na nasa bahay o sa labas na lang ng campus magkita. Papunta siya sa susunod niyang klase nang may maulinigan siya sa isang pasilyo. Agad na hinanap ang pinanggagalingan ng boses doon ay nasumpunga

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD