Naging maayos ang sumunod na buwan para kay Althea lalo na at hindi na siya palagiang pinagagalitan ng ama, napansin niya rin na mukhang naging masayahin ang mga ito lalo na nang minsan ay galing ito sa isang meeting sa loob ng kanilang unibersidad. "Pa, pinatawag niyo raw ako sabi ni Nana Matilda?" turan niya sa ama na naabutan sa sala. Mabuti na lang at abot hanggang tainga ang pagkakangiti nito dahilan upang mawala ang kaba sa dibdib. "Oo, anak, maupo ka," anito kaya agad siyang naupo sa mahabang sofa. Mukhang may importante itong sasabihin sa kanya. "M-May sasabihin po ba kayo, papa?" untag dito. "Wala naman, hintayin lang natin ang mama mo," anito nang maya-maya ay dumating ang ina galing sa kusina at sa likod nito ay si Luan na hawak ang tray ng tasa habang ang ina ay hawak nama