Naging kapansin-pansin ang ilang instructor sa unibersidad ang pagbabago kay Althea lalo na sa pagdating sa academic. Hindi tuloy maiwasang mapangiti si Luan habang nakikinig sa usapan ng mga co-instructor nila sa faculty. Maya-maya ay dumating si Miss Ventura at sumabad sa usapan ng mga ito. "Paano'ng hindi mag-aaral mabuti, mukhang may gusto siya sa isa sa intructor niya," parunggit nito sabay baling sa kanya. Agad naman siyang umiwas at hindi na pinatulan ang parinig nito sa kanya. "Hindi ba tama ang sinabi ko?" anito na noon ay nakalapit na pala sa kanyang desk. Malamig ang tinging ipinukol dito. "Hindi ko alam kung ano ang ibig mong sabihin, Miss Ventura, ayaw kong magsalita dahil baka hindi mo magustuhan," aniya na kinabigla ng babae. Akala niya siguro ay papalampasin niya ang p