Kinabukasan ay tanghali na nagising sina Althea, paano ba naman kasi ay pinandigan ng mga kaibigan ang pag-sleep over sa kanila at wala silang ginawa kundi ang guluhin siya. Ini-offer ng magulang ang guest's room sa mga ito pero mas pinili nina Danica at Beatriz ang matulog sa silid dahil plano pala siyang guluhin ng mga ito. "Good morning, girls," masiglang inat ni Beatriz habang si Danica naman ay nakapikit pa rin. "Ano'ng good morning ka diyan, tanghali na kaya," sabad niya rito. "Oh my God," palatak nito. "Nagulat naman ako sa 'yo, girl," dagdag pang wika ni Beatriz. "Oh really? Nagulat ka pa sa lagay na 'yan," gilalas niya rito na kinatawa nito. "Girl, nakatulog ka ba?" sunod nitong tanong. "Paano ako makakatulog, ang ingay ninyong dalawa para kayong nagpapatentero sa paghilik,"