Ngiting-ngiti si Althea sa kanyang naisip habang hinihintay ang isasagot ni Luan sa kanyang tanong nang marinig itong magsalita. "Gusto mo ba ng extra income, gusto sana kitang i-invite sa business—" putol na turan ni Luan nang biglang napasabad si Althea. Agad na napalis ang ngiti ni Althea sa bungad na turan ni Luan, alam na alam na kasi niya ang linyahang ganoon. Tiyak na may io-offer itong online business gaya ng mga sikat ngayong pyramid business na hihikayatin kang maging member at maging ikaw ay maghihikayat ng mga papasok rin sa negosyo. "No, sorry," agad niyang sabad kay Luan. "Wala akong oras sa mga ganyang pyramiding," bulalas nito. Nagitla si Luan sa sinabi ni Althea hanggang sa napatawa na lamang dahil inisip yata ni Althea na nagre-recruit siya ng papasok sa isang online