Chapter 35:

2311 Words

Naging maayos naman ang mga sumunod na araw para kay Althea lalo at tila lumalayo si Miss Ventura sa kanya. Sa klase nito ay mukhang iwas ito sa kanya dahilan upang magtaka siya. "Girl, mukhang umiiwas na si Ma'am Ventura sa 'yo," palatak ni Beatriz na noon ay napansin din pala ang tila pag-iwas ni Miss Ventura sa kanya. "Natakot na siguro na baka sa susunod na araw ay mapatalsik na siya rito," maang naman niyang tugon dito. "Iba rin talaga itong friend natin, kilabot ng mga instructor, ang bumangga giba," natatawang komento naman ni Danica. "Magtigil nga kayo, kagagawan din nila. She admitted na siya nga ang nagpakalat ng audio na malisyoso, kaya hindi ko kasalanan kung matanggal man siya gaya ni tandang hukluban," aniya sa Algebra instructor nila na natanggal dahil sa reklamo niyang

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD