Naging limitado man ang galaw nina Luan at Althea ay naging masaya pa rin naman ang nalalabing oras nila sa private resort nina Luan. Mukhang kailangan nila ang ganoon upang makapag-relax konti. "Salamat, hijo sa pag-imbita sa amin dito," pasalamat ng ama kay Luan. "Walang anuman, tito, sa susunod po ulit," magalang namang tugon ni Luan. "Sure basta sabihan mo lang kami ng Tita Trining mo," gagad nito. Hindi mapigilan ni Althea ang kiligin lalo na parang mas gumuwapo ang lalaki nang maging tan ang kutis nito. "Girl, pakikurot nga konti itong kaibigan natin," utos ni Danica kay Beatriz na agad naman nitong kinatalima. "Ouch!" maarteng angil sa ginawa ng kaibigan. "Aray ko naman, girl, sakit noon, ah," gagad rito. "Ginigising ka lang namin, girl, back to normal life na tayo," parinig

