Sa pagsulpot ng magulang ni Althea ay naging kontrolado ang kilos nilang dalawa ni Luan, lalo pa at tila bodyguard ang ama ng una na walang ginawa kundi sundan sila ng tingin. "Nakakatakot talaga ang papa mo, akala ko kanina nasa hukuman ako at nililitis dahil lang sa pinahiram kong boxer shorts," bulong ni Luan sa kanya, hindi maiwasang matawa ni Althea. "Abswelto ka naman na kaya huwag kang mag-alala," balik-bulong ni Althea kay Luan. "Oo pero ang tingin niya ngayon parang may ibang kaso na naman akong kakaharapin," bulalas niya dahilan upang balingan ni Althea ang kinaroroonan ng magulang at nakitang matiim ang tingin nito. "Naku po," aniya. "Ganyan ba talaga ang papa mo? Grabe, kung makatingin para akong sakalin," palatak ni Luan, hindi nila napansin na nakalapit na pala ang matan

