KIERA POV "Kiera, ayos ka lang?" bigla ay tanong ni Amie. Napalingon ako sa kanya para lamang salubungin ang mga mata niyang mariin na nakatitig sa akin. Nakangiting tumango ako sa kanya habang hinahaplos ang umbok ng aking tiyan. Bumaba ang tingin niya doon kaya napangiti na rin siya. "Hindi mo ba sasabihin sa amin ang resulta ng ultrasound mo?" muli ay tanong niya ngunit sa pagkakataon na iyon ay nakangiti na siya. Paulit-ulit akong umiling kung kaya't kaagad na nabura ang ngiti sa kanyang labi. "Hindi na magiging surprise kung sasabihin ko sa'yo," natatawa kong sabi. Kahit papaano ay gumagaan ang pakiramdam ko sa tuwing hinahaplos ko ang umbok ng aking tiyan. Hindi ko man sila nasisilayan ngunit ramdam ko na ang pagmamahal na karapat-dapat para sa kanila. "Ah, okay," alanganin an