"Huwag kang lumingon sa kanila," narinig kong bulong ni Mac kay Amie. Muli akong napatingin sa paligid na aming dinadaanan. Ang bawat taong nandoon na aming nadadaanan ay napapatigil sa paglalakad at ang ibang nagtatrabaho sa loob ng hospital na iyon ay napapatigil din sa kanilang ginagawa at tulalang nakasunod ang tingin sa amin. Nandoon ang paghanga sa kanilang mga mata at ang inggit ay mababakas din. Napa-iling ako at saka taas noo na tinahak ang daan palabas habang nakasunod sa magka hawak-kamay na sina Mac at Amie. Kung alam lang ng mga taong ito ang totoong estado ko sa buhay, siguro ay napabilang na rin sila sa mga taong naaawa sa kalagayan ko. Oo nga't magandang tignan ang estado ng buhay ko kung sa labas mo lang iyon susuriin, ngunit kung aalamin mo ang totoong saloobin