Pasado alas-otso na ng umaga nang mai-park mabuti ni Esha ang sasakyan ni Bryle sa harap ng isa sa mga branch ng 7/11. Linggo ngayon at walang trabaho ang kanyang asawa kaya inaya niya itong kumain sa labas. Ngunit sa halip na pumunta sila sa mga mamahaling restaurant ay doon niya naisipan ihinto ang sasakyan. Nakangiti siyang bumaling kay Bryle na nakasimangot pa rin dahil sa rason nito na siya ang magmamaneho at hindi si Esha. Sadyang makulit ang asawa ni Bryle at hindi pumapayag na hindi nito nakukuha ang gusto kaya walang nagawa si Brye kung hindi ang sumuko. Ilang beses na nagpumilit si Bryle para siya na mismo ang magmaneho ngunit hindi talaga nakinig ang asawa niyang si Esha. Sa halip ay ngumingiti lamang si Esha sa mga paninita ng asawa. Sa huli ay walang nagawa si Bryle at igtin