Kinabukasan ay maagang nagising si Sunshine. Pagkamulat pa lang niya ng mga mata ay naramdaman na niya ang mabigat na braso na nakayakap sa kanya at ang binting nakapatong sa mga binti niya. Napangiti siya ng marinig ang mabigat na paghinga ng kanyang asawa mula sa kanyang likuran. Dahan-dahan niyang inalis ang braso at binti nito upang bumangon. Umupo si Sunshine sa kama at humarap kay Kino. She didn't dare stop the smile that formed on her lips while looking at her husband. Mas lumawak pa ang kanyang mga ngiti nang maaalala ang pagkapilyo ni Kino kagabi. At alam niyang kahit pagbaliktarin man niya ang mundo at iyugyog ang planeta ay hindi maaalis sa kanyang pakiramdam ang kasiyahan na dumadaloy ngayon sa lahat ng parte ng katawan niya. Masuyo siyang napatitig sa mukha ng t