KINO POV Kinabukasan ay nagising ako dahil sa mga naririnig kong boses. Paulit-ulit kong kinusot ang aking mga mata upang gisingin ang aking diwa. Bumangon ako sa kama at kaagad na napangiti nang makita na nakasuot na ako ng short. Alam kong natulog ako ng walang saplot kagabi kaya siguradong binihisan niya ako nang magising siya. Tuluyan na ngang nagising ang diwa ko nang mapagtanto na mag-isa na lang ako sa kama at walang bakas ni Shine na nandoon. Bumaba ako sa kama at naglakad patungo sa upuan na gawa sa kahoy upang kunin do'n ang damit ko. Papunas-punas ako ng mga mata na nagtungo ng banyo upang maghilamos at mag toothbrush na rin. Pagkatapos kong lumabas ng banyo ay inayos ko muna ang magulong kama at saka naglakad patungo sa nakasiradong pintuan ng kwarto. Ngunit pagbukas ko pa