Kiera Nagising ako sa umaga na magaan ang pakiramdam. Napangiti na lang ako ng maalala ang kapilyuhan ni Darren kagabi. Kinapa ko ang bandang bahagi ng kinaroroonan niya pero napamulat ako nang wala akong makapa doon. Kaya naman pala magaan ang pakiramdam ko dahil walang Darren na nakayakap sa likuran ko. Kaya naman hindi nabibigatan ang mga hita ko dahil walang paa na nakadantay doon. Nakangiti akong bumangon sa pagkakahiga sa kama at bumaba doon at saka maglalakad na sana patungo sa banyo pero napatigil ako nang makita ang kulay dilaw na papel na nakapatong sa night stand table. Nakangiti kong inabot iyon at binasa ang nakasulat doon. 'Good morning, mahal. Nasa trabaho na ako kung mabasa mo 'to. Sorry kung hindi na ako nakapag-paalam pa dahil hindi na kita ginising. Humihilik ka p