Habang nagkakasayahan ang lahat ay hindi mawari kung ano ang dapat na maramdaman ni Amie. Nakikisabay nga siya sa tawanan ng lahat ngunit mahina lang at tila ba walang lakas ang kanyang katawan. Hindi napapansin iyon ng iba ngunit si Mac ay nararamdaman ang kakaibang galaw ng babaeng nagpapatibok ng kanyang puso. Madalas ay nahuhuli niya itong tahimik at malayo ang tingin. Nakikipag-usap naman si Amie sa kanya ngunit madalas ay tango lang ang palaging sinasagot nito sa tuwing sila lang ang magkaharap. Ramdam ni Mac ang kakaiba sa mga galaw ni Amie ngunit sa tuwing magtatanong siya ay ngumingiti lang ito bilang sagot. Na para bang iniiwasan nitong pag-usapan kung ano man ang nasa isip. At sa halip na sumagot ay nagtatanong pa ito ng ibang paksa upang takasan ang tanong ni Mac. Sinusubu