Ilang sandali na ang lumipas ngunit nakatitig lamang si Esha sa asawa na wala pa rin malay. Bahagya lang niyang inayos ang pagkakahiga nito sa kama at hinubaran si Bryle at tanging boxer lang ang kanyang tinira. Nag-e-enjoy siyang pagmasdan ang mukha ni Bryle. Makalipas ang mahigit isang oras na paghihintay, sa wakas ay nagkamalay rin ito. Pagmulat ni Bryle ng kanyang mga mata ay bigla siyang napabangon. Hindi siya makapaniwalang napatitig sa kanyang asawa. Kapagkuwan ay bumuka ang bibig nito ngunit wala rin nasabi. Natatawang umupo sa kandungan nito si Esha at niyakap ang asawa. "Ayos ka lang?" natatawang tanong ni Esha. Tahimik na tumango si Bryle at saka bahagyang inilayo ang katawan ni Esha upang titigan ito sa mga mata. "Baby, buntis ka," pabulong na turan ni Bryle. Nawala ang n