KIERA POV "Boss, hayaan mo muna siya. Baka pagod lang at gusto na niyang magpahinga," narinig sambit ng tinig ni Mac. Mas lalo ko pang idinikit ang aking taenga sa pintuan at para bang tanga na pilit na pinapakinggan ang pinag-uusapan ng mga taong nasa labas. "Mac, tawagan mo si Kino. Sabihin mong umuwi agad," mahinang sambit ni Darren na halos hindi ko na maintindihan pa. "Boss, pribadong Isla ang pinuntahan nila. Walang signal do'n," kaagad na sagot ni Mac sa kanya. "Kiera, mahal, buksan mo ang pinto," bigla ay sigaw ni Darren at muling kinatok ang pintuan. Sa subrang gulat dahil nakadikit ang aking taenga doon ay nautog ko pa ang aking ulo. "Aww..." mahinang sambit ko habang nakahawak sa aking ulo. Nakarinig ako ng sunod-sunod na ingay mula sa labas at kasunod niyon ay ang mul