KIERA POV "Darren, gusto ko ng pinakbet--" natigilan ako sa pagsasalita nang biglang mag ring ang cellphone ni Darren. At dahil nakapatong lang iyon sa lamesa sa bandang unahan ko lang ay palihim iyon tinignan ng aking mga mata. Mabilis na gumalaw ang kamay ni Darren at kaagad na dinampot iyon ngunit hindi para sagutin kundi ay para patayin. "Gusto mo nito?" nakangiti niyang tanong habang linalagyan ng gulay ang aking plato. Tipid akong ngumiti sa kanya at saka tumango. "Tubig," sambit ko nang pakiramdam ko ay hindi ko malunok ang aking kinakain. Mabilis na tumayo si Darren upang ikuha ako ng tubig. Hindi na niya iyon naihanda kanina at nakalimutan ko rin maglagay sa tabi ko. Ako pa naman ang tipo ng tao na sa tuwing kakain ay kailangan ay laging may tubig na nakahanda sa aking tabi.