KIERA POV "Istorbo yata tayo," natatawang sambit ng tinig ni Amie. Mawalak ang ngiti sa labi ko na tumingin sa gawi nila at kaagad na sumalubong sa mga mata ko si Esha at Bryle na magka-hawak ang kamay at sa likod nila ay si Amie at Tito Derek. Kaagad na nagtubig ang aking mga mata na umangat upang tignan si Darren. Nakangiti siyang tumango na para bang naiintindihan na niya kung bakit ako napapaluha. "Alam kong mahalaga sa'yo ang araw na 'to, kaya naman nandito siya para samahan ka," nakangiti niyang sambit. Mas lalo pa akong naiyak at dahil sa kawalan ng maisasagot ay niyakap ko na lamang siya ng mahigpit. "Baka ilibing pa ako ng matandang 'yan pag nawala siya sa araw na 'to," natatawa niyang bulong habang kayakap ako. Natatawa akong bumitaw sa kanyang pagkakayakap at mabilis na lu