Naka-ugalian na ni Kino na umunan sa braso ng asawang si Sunshine sa tuwing natutulog siya. Magmula nang naging asawa niya ang dalaga ay walang oras sa pagtulog niya na hindi gano'n ang kanyang posisyon. Palagi na lang ay nakayakap siya dito, hinahalikan ang kili-kili nito at pinaglalaruan ang dibdib ng asawa hanggang sa dalawin siya ng antok. Minsan ay laging nauuwi sa mainit at kapana-panabik na mga tagpo ang sandaling iyon. Kung gaano kadalas ang minsan para kay Kino ay siguradong hihimatayin ang taong may sakit sa puso kung malaman nito ang sagot ni Kino. "Love..." inaantok na ani Kino. Nakapikit ang kanyang mga mata na kinapa ang bahagi kung saan natutulog ang asawa. Nang tanging unan lang ang naramdaman ng mga palad ay unti-unting dumilat ang kanyang mga mata. Mapu