Ang mga anak ang bunga ng pag-iibigan ng dalawang tao. Ang mga anak ang nagiging pundasyon ng kanilang walang hanggan na pagmamahalan. Ang mga anak ang tumutupad sa masaya at kumpletong pamilya na pinapangarap ng lahat. Hindi madali ang maging magulang ngunit masaya at masarap sa pakiramdam lalo na sa tuwing makikita mo ang mga ngiti nia na hindi matutumbasan ng materyal na bagay. Kung mayro'n man isang bagay na hindi kayang bilhin ng maraming pera ay iyon ang pagmamahal. Pagmamahal ng mga uliran na mga anak sa kanilang magulang. "Mahal, sino sa kanila ang panganay at sino ang bunso? Teka, magkamukhang magkamukha sila. Walang pinagkaiba," muli ay giit pa ni Darren. Kanina pa siya mariin na nakatitig sa kambal at pilit na hinahanap ang kaibahan ng mga anak. Ngunit napap