Tulad ng nakagawian na ni Darren ay maaga siyang gumigising upang ipaghanda ng pagkain ang buntis niyang asawa. Iniwan niya si Kiera sa kama na mahimbing pa rin ang tulog. Kahit na gusto pa niyang samahan ito at yakapin ang hubad na katawan sa ilalim ng kumot ay isinasantabi muna niya ang pansariling pangangailangan. Alam niya at nakikita niya sa asawang si Kiera na hindi madali ang magbuntis at gusto ni Darren ay mapagaan ang kalooban ng asawa kahit na sa paghahanda lang ng pagkain nito. Gusto niyang samahan ang asawa sa mga araw ng kanyang pagbubuntis at sa gano'n na paraan ang alam niya. Sumisipol si Darren na nasa loob ng kusina. Masaya siyang naghahanda ng pagkain nang dumating doon si Bryle. Sinulyapan lang ni Darren ang kaibigan na tahimik na pumasok dahil abala pa r