Ilang sandali pa ay naramdaman kong lumuwag sa pagkakatapis ang aking tuwalya hanggang sa tuluyan na itong nalaglag sa sahig. Wala na akong saplot. Kitang kita niya ang hulma at kabuuan ng aking katawan. Napatakip ako ng bibig habang nanlalaki ang mata ngunit siya'y nakangiti lang. "Get ready, sweetie." "Hah? Ano daw?--" Di ko natapos ang sasabihin dahil sinakop ng kanyang mga labi ang aking labi. Malalim at mapusok na halik ang binigay niya sa akin. Naihawak ko na lang ang aking kamay sa may pihitan ng shower na naging dahilan para kaming dalawa ay naligo ng sabay. Pagkatapos ng ilang sandali ay naitukod naming parehas ang noo sa isat isa. Sabay humihingal na animo'y naghahabol ng hininga. "I love you," bulong niya at ngumiti. Napangiti na lang ako saka napakagat labi. Di ko na naiwa

