Kasalukuyan akong naglilinis ng higaan ng makatanggap ng tawag. Kinuha ko ang cellphone upang sagutin. Hindi na ako nagdalawang isip ng makita ang pangalan ng caller kaya agad ko itong sinagot. "Levi bakit napatawag ka?" "Lottie sorry hindi ako nakaattend ng kasal mo." "Yun ba? Ok lang. Sinabi na sa akin ni manang ang dahilan. Tatawagan sana kita kaso nag-aalangan ako. Naikwento kasi sa akin ni mina na sobrang busy mo daw ngayon." Umupo ako sa kama at kinuha ang unan upang ilagay sa aking kandungan. "Oo eh. Marami kasi akong report na tinatapos. Mahirap pala maging Architect." "Kayang kaya mo yan levi. Ikaw pa. Kamusta pala si Jane at si Minah?" "Si Jane palaging kasama ni manang, si Mina naman laging kasama ni Zeus pagpapasok ng opisina. Nagtatrabaho na ulit ang ka

