"Hello lottie kamusta?" "Eto ok lang Minah, nakauwi na ang asawa mo?" Kinuha ko ang remote at hininaan ang sound ng tv. Habang yung alaga ko ay abala sa pagta-tablet. "Oo nakauwi na siya, Si Sir Aeolus nakauwi na din ba?" marinig ko pa lang ang pangalan ni singkit ay naiinis na ako. Bwisit kasi hindi niya pa rin ako tinatawagan. "Ambot dhay!! Wala pa nga siya. Ewan ko sa kanya kung may balak pa kaming uwian ng anak niya, baka nambabae na naman". Ismid kong parang ako ang asawa. "Ikaw talaga lottie dinaig mo pa ang tunay na asawa, teka tumatawag ba siya sayo at kay oddy?". "Yun nga ang pinagpuputok ng butchi ko dhay, tumatawag siya sa anak niya sa akin hindi. Sabagay sino ba naman ako yaya lang ng anak niya." "Kalma lang lottie mukang nagagalit kana oh". Bumunt

