Pagkatapos ng klase ni Oddy ay nakaabang na ako sa labas ng classroom. Nakasunod din sa kanyang likuran si Charlene. "Yaya lottie you look pretty today and I just notice that you have dimples. So cute!" "Naku si Charlene binola pa ako, ngayon lang ba ako maganda?" Kunwari pa ako eh mukang malapit nang lumaki ang tenga ko sa papuri ng batang ito. "Everyday naman po, but now your so blooming and sexy. Nag-da-diet pa rin po ba kayo ni Oddy?" "Yes charlene, diet pa rin kami ni yaya pig," sabat ni biik na nasa tabi ko. Kinuha ko ang bag niya at sinukbit iyon sa balikat ko. "Really? May I know kung anong ginawa niyo para pumayat? I'm thinking na mag diet din kasi?" sabi nito na agad na lumingon sa kanyang yaya. "Charlene, hindi mo kailangan mag diet. Tama lang ang katawan

