Pagkatapos naming bisitahin si lottie ay umuwi na rin kami ni Nay Lydia. "Alam mo hija, natutuwa talaga ako kay Lottie, hindi ko aakalain na magkakasundo silang dalawa ni Oddy at ang nakakagulat dalawa silang nagda-diet" "Oo nga po Nay ang laki nga ng pinayat ni Lottie, akala ko kanina parang may mali sa kanya yun pala sumeksi na siya". "Naku po! naabutan na tayo ng traffic" sambit ni Nay lydia nang makita ang mga kotseng kasabayan namin labas. "Umuusad pa naman po, saka napagbilinan niyo naman po si Jane na magluto ng hapunan" "Oo nga pala. Nakalimutan ko, sinabihan ko pala siya kanina bago tayo umalis. Alam mo natutuwa talaga ako kay Jane, napakasipag na bata" "At mabait pa po" "Tama ka hija, eh si Levi kaya nakauwi na?". Tanong nito at kinuha ang cellphone.

