Pag-akyat ng tatlo ay nilapitan ko agad si lottie. "Matutulog na ako," sabi niyang nakapikit saka tumayo. Bago pa siya mawalan ng balanse ay inakay ko agad siya at humawak sa kanyang bewang. Sunod ay Isinukbit ko ang kanang braso niya sa aking balikat. Magkadikit ang aming katawan, amoy alak ang isa't isa ngunit mas nangibabaw ang kanyang matamis na pabango. "Anong ginagawa mo? may gagawin ka sa akin? hoy nasa bahay ka namin! gusto mong malibing ng buhay?!" singhal niya at inalis ang kamay kong nasa kanyang bewang na agad ko namang hinigpitan ang hawak. kaya kahit anong tanggal at pagpupumiglas niya ay baliwala. "Wag ka nang makulit." "Bitawan mo nga ako! makahawak ka feeling mo tayo na? hindi pa nga kita sinsagot eh!" "Lolita can you please quiet, lasing kana." "Hindi pa ak

