"Nasan na si Oddy?" Inilapag nito ang mikroponong hawak at lumingon lingon sa paligid habang nakaupo sa may sofa. Isang hakbang lang ang pagitan ng aking upuan mula sa matandang lalake kaya kita ko kaagad ang itsura nito. Panay na ang pikit dilat nito at halatang halata ang kalasingan. "Pa nasa taas na matutulog na daw sila ni mama kaya ikaw matulog kana din". Siya naman ay naupo sa tabi ng matanda at kinuha ang isang bote ng alak. Nakaharap siya sa akin kaya napagmamasdan ko din ang kilos niya. "Anong matulog? hindi pa ako lasing baka ikaw ang kailangan nang matulog. Teka nga nasan nga ulit ang mama mo?" "Nasa taas na nga, si papa lasing na." "Ate tutungggain mo ulit yan?" tanong ng kapatid niyang si ruben na nakasalampak sa may sahig. "Wala ka nang pakialam!" ismid ni

