Iniwas ko ang tingin sa kanya at muling itinuon sa labas ng bintana. Makulimlim na kalangitan ang napansin ko at nagbabadya ang pagbuhos ng ulan. Pati yata si Lord nakikidalamhati sa aming dalawa. "Tumayo ka dyan," sabi kong pabulong at hinatak ang kamay kong hawak niya. Dahan-dahan siyang tumayo at bumalik sa pagkakaupo. "Punasan mo yang luha mo," sabi ko ulit na agad naman niyang ginawa. "Please, Lottie." "Hindi na Mark. Hindi na ako babalik sayo. Matagal ko nang tinanggap na wala na tayo. Kaya sana ganun din ang gawin mo." Bumuntong hinga siya at pilit na ngumiti. "Kung yan ang desisyon mo." Hindi na ako sumagot bagkus ay tumayo na lang ako at inayos ang damit. Pahakbang na sana ako nang muli siyang magsalita. "Siya ba Lottie?" Nakatingin siya sa labas na parang

