Sumapit nga ang sabado at naging excited ang lahat sañ mga pa contest na magaganap doon sa plaza. "Oddy? Oddy?" sigaw ng mga batang nakadungaw sa nakaawang naming gate. "Baby yung mga kalaro mo sinusundo kana". Kinuha ko ang bimpo sa lamesita at inilagay iyon sa kanyang likod. Pangiti ngiti pa ito habang nakatingin sa akin. "Yaya maglalaro lang kami sa labas." "Ok wag ka lang magpapakapagod." "Yes yaya," patango-tangong sagot nito at bumaling ng tingin sa mga batang nasa labas. "Sige larga," agad naman itong tumayo at tinungo ang mga kaibigan. "Ma anong oras ka mamalengke?" Tumayo ako at pinuntahan siya na nasa kusina. "Mamayang alas-dyes, anong oras na ba?" "Alas-otso pa lang naman, Nasan pala si Romeo?" "Naku ang aga-aga umalis nun kanina, sinundo

