PART 22

1081 Words

"Puwede ba akong makitawag lang? Kukumustahin ko lang sina mama," mababang boses na pakiusap ni Athan sa asawa. Subok lang. Nagsi-cellphone kasi ang asawa niya nang tumabi ito sa kaniya sa kama. Hapon na naman nang hindi nila namamalayan. Wala naman na kasing ginawa kundi kumain at manood ng TV maghapon kapag hindi sila namamasyal. Subalit napakatigas pa rin ng puso ni Yhannie. Inilagay na nito ang phone nito sa bag nito. "Ka-text ko ang kapatid mo kahapon at okay naman daw sila kaya huwag kang mag-alala." Napabuga nang hangin sa bunganga si Athan. Grabe talaga ang pakikitungo ngayon ng kaniya ng asawa. Daig na niya ang isang preso. Wala na siyang kalayan. Ni lumabas ay hindi niya magawa na walang kasama. Kaysa maipakitang badtrip na siya ay nagpasya na siyang iwanan ito sa silid nila.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD