"Baka gusto mo ulit mag-picture?" nangungutyang sabi ni Athan sa asawa nang nilalagyan niya ng ulam ang plato ni Nana. Kagabi ay napagdugtong-dugtong na niya ang lahat. Alam na niya at malinaw na sa kaniya ang ginagawa ni Yhannie. Ang gusto ng kaniyang asawa ay ipakita sa mundo na masaya ulit sila na mag-asawa sa kabila ng eskandalong nangyari sa kanila, lalo na ang nangyari roon sa restaurant. Gustong ipaalam malamang ni Yhannie sa mga tao aa social media na siya na asawa ang nagwagi. At okay naman sana iyon dahil gusto din naman sana niyang malinis ang lahat. Pero sana naman hindi sa ganito. Ang gusto niya sana ay ayusin nila ito ng sabay ni Yhannie. Iyong totoo at hindi ganito na parang pinarurusahan siya unti-unti. Pinapatay nang unti-unti sa pamamagitan ng pagsakal sa kaniyang kalay