Awang ang mga labi ni Yhannie na napatitig sa mukha ni Athan habang sapo niya ang pisnging sinampal nito. Sa unang pagkakataon ay nasaktan siya ng asawa sa pisikal na pamamaraan kaya naman hindi siya makapaniwala. Natigagal talaga siya. Gustuhin niyang magwala. Ito pa ang may lakas loob na manakit?! How dare he?! Pero nang magsalita si Athan ay parang may bumulong sa kaniya, na kahit ngayon lang ulit ay pakinggan niya rin ang kaniyang asawa dahil may karapatan din itong magsalita at ilabas nito ang saloobin nito kahit pa ito ang may kasalanan. "S-sorry pero sumusobra ka na rin kasi, Hon. Nakakasakit ka na ng damdamin at sa totoo lang nakakasakal ka na," tiim-bagang na sumbat ni Athan. Nakakuyom ang palad nitong pinangsampal kay Yhannie. "Pinagsisihan ko naman ang nagawa ko sa ‘yong kasa