"Guys, inom tayo dali. Bili tayo alak," pangungulit pa rin ni Ayu kina Mychal at Vanya. Sobra sa kalasingan talaga ng dalaga. At sa mga sandaling iyon ay katatapos lang na magsuka. Naisuka na ang mga nainom sa bar kaya gumaan na ang pakiramdam, kaya tumino na konti. Nga lang ay alak pa rin ang iniuungot. Ang kulit. Ayaw matulog. "Nababaliw na talaga. Pasalamat 'yan at matino 'yung lalaki kanina kundi baka laman 'yan ng balita mamaya," inis na saad ni Vanya. Nakatayo ito sa likod ng pang-isahang sofa dahil tinitingnan ang pinapakuluang tubig na pambanyos kay Ayu. Si Mychal ang umaawat sa dalaga kapag sinusubukan nitong tumayo kahit na hindi naman na kaya. Natutumba lang. "Tumigil ka na. Isa," babala ng binata. Nakukulitan na rin. "Tara samahan kita. Bili tayo," si Ayu ulit na parang