Mugtong-mugto ang mga mata ni Yhannie nang maalimpungatan siya mula sa pagkakatulog. Hindi niya namalayan na nakatulog pala siya. Siguro ay dahil sa kakaiyak niya. Malamang ay napagod siya sa kakaiyak. Inalala niya muna ang nangyari. At naalala niya na humihingi ng sorry sa kaniya ang asawa subalit hindi niya ito tinanggap. Pinagtabuyan niya pa rin. Umalis si Athan. Bandang huli ay iniwan siya at hindi na niya alam kung saan ito nagpunta. Basta nag-iiyak na lang siya nang nag-iiyak sa sulok at hindi na niya namalayan kung paano napunta sa kama at nakatulog. Pinilit na niyang bumangon. Masakit kasi ang ulo niya. Tapos ay tumayo siya. Sisilipin niya ang anak niya. Kahit alam niyang hindi ito pinabayaan ni Yaya Susima ay nag-alala pa rin siya kay Nana. Alam niyang narinig lahat ng anak