"'Yan! 'Yan na nga ba ang sinasabi ko noon pa sa 'yo!" matinding sermon ni Vanya kay Ayu. Sa bahay ng kaibigan dumiretso si Ayu pagkatapos ng nakakahiya at grabeng pangyayaring iyon sa kanila ni Yhannie sa restaurant kanina. Kahit pa alam niyang may pinagdadaanan din si Vanya ay kinapalan na niya ang mukha dahil wala naman siyang matatakbuhan sa sitwasyong ito. At kanina pa siya iyak nang iyak. Walang humpay na iyak. "Hindi ako nagkulang ng paalala sa 'yo kaya wala kang ibang sisihin niyan kundi ang sarili mo. Ang dami kasing ibang lalaki kung bakit pinagsisiksikan mo ang sarili mo sa lalaking iyon. Ano ngayon ang napala mo? Kahihiyan. Diyos ko ka, Ayu!" patuloy ni Vanya na hanggang ngayon ay mugto pa rin ang mga mata kakaiyak din. "Oo na. Kasalanan ko na. Pero puwede bang huwag mo mu