Dinala nga ng matandang lalaki ang batang si Fendi sa kanyang munting tahanan. Ito'y maliit lamang at may kasimplehan. Pagkarating nila sa munting bahay ng nasabing lalaki ay pinaupo kaagad niya ang nasabing bata sa kanyang munting salas saka ito nagpaalam na kukunin sa kanyang kwarto ang kanyang mga pinaglumaan na mga damit gaya ng kanyang naipangako sa kanya. Pagkarating nito... "Wow! Napakarami naman po niyan. Baka po hindi ko madala lahat ng iyan. Atsaka, wala rin po akong paglalagyan ng mga yan kasi po sa lansangan lang po ako natutulog kung saan po ako maabutan ng dilim," malungkot na saad ni Fendi habang iniisa isa niyang tingnan ang mga damit na binigay sa kanya ng lalaki na nakasalansan sa upuan. "Ganoon ba iho, wala ka palang permanenteng matitirhan. Nasan ang ibang mga kamag