Fendi POV Sa pagkamatay ng mga magulang ko, pakirramdam ko ay parang namatay na rin ako. Buti na lang at mababait ang mga taga rito sa amin, sila nag asikaso ng pagpapalibing sa mga magulang ko. Tumulong din ang Brgy. Chairman pati ang mayor sa pamamagitan ng pagbibigay ng kabaong at lugar na paglilibingan sa mga magulang ko. Dumagsa ang tulong mula sa mga mga kapatid ng nanay ko sa pag aasikaso sa mga bumisita sa lugar namin. Idinaos pala ang lamay sa bahay ng kapatid ng nanay ko dahil halos natupok sa apoy ang kabubuan ng bahay namin kasama ang ilang mga hayop na inaalagaan namin. Buti na lang may natira pa sa kanila dahil na rin sa tulong ng mga kapit bahay namin nang mga oras na nagpatawag ako ng rescue sa lugar namin para sana saklokohan ang tatay kong ginugulpi ng mga armado no'ng